Pormal nang binuksan ngayong araw, ika-1 ng Agosto, ang pagdiriwang ng Buwan ng Lahi sa Saint Columban College sa pamamagitan ng isang makulay na programa na ginanap sa SCC YDC Gym.
Sa pangunguna ng pinagsamang puwersa ng SCC Senior High School Department at College Department, itinampok ang mga pagtatanghal mula sa HiDuHa Musica at Serenata Club, panonood ng pelikulang Pili at Pila ng Lente Klub, at isang bukas na talakayan kasama ang Micronomos. Nagbahagi rin ng mga makabuluhang mensahe sina Dr. Mary Jane Omandam at Gng. Fave T. Tapodoc.
Isang masiglang panimula ito sa pagdiriwang ng ating pagka-Pilipino—paalala na ang ating wika, sining, at kasaysayan ay patuloy na nagbibigay saysay at sigla sa bawat Kolumbano.
Captioned By Althea Ubalde
Captured By GranSCil Media | LenteKlub


